Maganda ang naging paghihiwalay sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni dating National Security Adviser (NSA) Professor Clarita Carlos.
Ito ang sinabi mismo ni Carlos sa isang panayam kasunod ng pagpapalit sa liderato ng NSA nitong nakaraang Sabado.
Ayon kay Carlos, maayos ang kanyang naging pag-alis at tinanong pa aniya siya ng Presidente kung saan niya gusto magpunta.
Saksi aniya ang tatlong malalapit sa Punong Ehekutibo sa maayos niyang pag-alis na hindi na lamang niya pinangalanan.
Samantala, tinawag namang ingay lang ng dating National Security Adviser ang lumutang na destabilisasyon kamakailan kasunod ng change of leadership sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na sinundan ng pagbibitiw ni dating Defense OIC Jose Faustino.
Wala aniyang basehan para magkaroon ng gayung konklusyon sabay pahayag na batid niya ang galawan kung may nagaganap na ngang destabilisasyon. | ulat ni Alvin Baltazar
πΈ: PNA
No comments:
Post a Comment