Bukas si House Transportation Committee Chair Romeo Acop na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa nangyaring technical glitch sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Linggo.
Aniya, kung mayroong kongresista na maghain ng resolusyon, ay handa itong magsagawa ng pagsisiyasat.
Interesado rin kasi si Acop na malaman kung nagkaroon ng kapabayaan kaya nagkaroon ng aberya ang operasyon ng paliparan.
Punto ng Antipolo solon, dalawang taon halos hindi nagamit ang NAIA dahil sa COVID-19 restrictions at bago muling binuksan ang paliparan ay dapat nakapagsagawa muna ng maintenance o audit assessment.
Ginawa pa nitong halimbawa ang sapatos na matapos hindi aniya magamit ng ilang taon ay “ngumanga” na nang muling isuot at sasakyan na dalawang taong hindi pinaandar na dapat ay masuri muna bago muling gamitin.
“Dapat ay gumawa ng maintenance assessment o maintenance audit para nakita yung problema…. Did they (CAAP) do it?” tanong ng mambabatas.
Babala pa ng kongresista na hindi na katanggap-tanggap kung muling mauulit ang naturang aberya. | via Radyo Pilipinas
No comments:
Post a Comment