Tuesday, 24 August 2021

LEGAL AUDIT PROCEDURE ANG SINUSUNOD NG COMMISSION ON AUDIT (COA).

MAY LEGAL AUDIT PROCEDURE TAYONG SINUSUNOD.

Ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission Sec. Greco Belgica, ang pagpuna ng Commission on Audit ay ukol lamang sa procedural lapses ng mga nabanggit na ahensya at dahil dito ay hihintayin muna nila ang final audit report na kung magkakaroon ng Notices of Disallowance ay magsasagawa agad ang PACC ng imbestigasyon. 

Ngunit sa ngayon aniya ay may pagkakataon pa ang nasabing mga ahensya na magpaliwanag sa COA kung nagamit ba nila ng tama ang kanilang mga pondo.

"Some of the audit findings may relate more to procedural lapses that is subject to compliance o justification kayat hindi agad natin maaring sabihin na may naganap na ditong korapsyon, gayunpaman ay nakikipag-ugnayan na kami sa COA tungkol sa nasabing usapin," ayon kay Belgica.

Paliwanag pa ng PACC Chief na batay sa Memorandum of Agreement nila sa COA ay napagkasunduan na iimpormahan ang isat-isa sakaling may ganitong uri ng mga impormasyon para mas mabilis nilang magawa ang kanilang mga mandato pero hanggang sa ngayon ay wala pa namang pormal na komunikasyon silang natatanggap mula sa Komisyon ng Pagsusuri.

"Furthermore, the PACC and COA entered into a MOA to establish the operational partnership between both offices, where either one of the parties receives of any information that would help to effectively carry out its mandated functions, each shall notify the other of such information... but until now, we have not yet received any formal communication from the COA," dagdag pa ni Belgica.

Pero sa pagkakataong ito ani Belgica ay makakatuwang nila ang mga bagong tatag na ACCs para mas mapabilis ang pagmomonitor, pagba-validate ng mga ulat para sa kaukulang rekomendasyon o imbestigasyon kung lalabas sa pagsusuri na may naganap nga na katiwalian.

Matatandaan na sa ilalim ng Project Kasangga: Aksyon Laban sa Korapsyon ay nakipagsanib ang PACC sa ibat-ibang ahensya sa Pamahalaang Nasyunal para sa whole-of-nation approach ng administrasyong Duterte laban sa kurapsyon.

Ani Belgica, dito na masusubukan ang pagkakatuwang-tuwang ng mga ahensya ng pamahalaan para mas mapabilis ang paglaban sa korapsyon na isa sa mga sinumpaang prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.

No comments:

Post a Comment

Local Manufacturing Brand Expands Warehouse, to Launch New Product Lines

  Lamoiyan Corporation is expanding.  Currently, at the heart of its base along the highway in ParaƱaque, this brick-and-mortar development ...